P’Chone, ikaw ba yan?

20110330

Nasa field ang Azkals kanina para sa opening ng isang football tournament. Kasama ko yung isa kong dormmate. Excited pa naman kami kasi makikita namin ang mga Younghusbands. PERO, kahit man lang anino nila, di namin nakita. Oh. Maliban pala sa picture nila na nakadikit sa bus nila. Sad.

Mga isang oras din kaming nasa field nang magpasya kaming pumunta na sa 7-11 para bumili ng Vitamilk. Busy kami sa pag-uusap ng dormmate ko nang mapansin naming may kasalubong kaming lalaki. Gamit nya yung DSLR nya at parang kumuha ng picture ko. Di ako sure tungkol dito pero para kasing ganun nga. Binaba nya yung camera nya. Nakita ko ang mukha nya. Ngumiti siya. Kilala ko pala siya. Siya nga yun.

Naglakad siya palapit sa amin. Kami, tuloy lang din sa paglakad. Kinawayan at nginitian ko siya. Konting hakbang pa, tinaas ulit nya yung camera nya at parang kumuha ulit ng picture. Nagulat ako (pero sana hindi halata). Binaba nya ulit yung DSLR. Nakasalubong na kami. Nakangiti pa rin ako. Nakangiti rin siya. Pagkalagpas ng konti, lumingon ako ng konti at kita kong tumigil siya at humarap sa amin parang kumuha ulit siya ng picture. Sinabi rin ng dormmate ko na ganun nga daw yung ginawa niya.

Tuloy lang sa paglakad. Nung lumayo na, para na akong high school student kung kiligin. Di ko alam kung kakilig-kilig yun pero ayun nga, kinilig ako. Ambisyosang palaka no? :D

Curious na sila bigla kung sino yung lalaking tinutukoy ko. :D Batchmates kami sa isang training na in-attend-an namin. Di kami close at di na kami masyadong nagkikita pero kilala pa rin nya ako. Alam nya pa rin ang pangalan ko. Nagulat na nga lang ako nung tinawag niya ako minsan nung nagkita kami sa office. Ako naman, masaya dahil dun. Ayyiii….

Leave a Comment

Filed under Blahblahblah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s