Cupcake Dream, The Movies and Some Things I Miss.

20110605

Nagising ako bago mag-4am kanina. Bakit? Eto ang kwento:

Pumunta daw sa bahay yung 3 kong kaibigan. Dun daw sila natulog sa amin. Kinabukasan, pumunta daw kami sa isang hall (or stadium? Parang ganun). Sa labas ng hall, may malawak na lobby. Habang naghihintay kami makapasok sa loob, pumunta ako sa isang sulok ng lobby. Nilabas ko raw lahat ng laman ng dala kong malaking backpack. Ang bag kong yun, puno ng cupcakes! Di ko alam kung bakit cupcakes, pero cupcakes nga! Nakakita ako ng tray (parang case nga kasi masyadong malalim yung loob ng lagayan). Dun ko nilagay yung mga cupcakes na dala ko. May mga tao rin sa parteng yun ng lobby na nag-aayos din ng cupcakes na dala nila. Mas maraming cupcakes ang dala nila kaysa sa akin kasi mas maraming cases yung nagamit nila. Nung tapos akong punuin ng cupcakes yung tray na nakuha ko, may mga sumobra pa. Inayos ko yung tray tapos yung mga tira, nilagay ko sa tapat. Kumain ako ng ilan sa sobra pero marami pa ring natira. Iniwan ko muna saglit yung mga cupcakes ko, umalis muna raw ako. Pagbalik ko, nawala yung mga sobrang cupcakes!!!  Lumingon ako at naglakad ng konti. Sinalubong ako ng isa sa mga kaibigan na kasama dun sa nakitulog sa bahay namin. Dinala nya ako sa tabi tapos inalok niya ako ng kinakain niya. Woah! Kamote! Siya pala yung kumuha ng cupcakes ko!!! At ilan na lang yung natira dun sa kinuha nya. E ang dami pa nun noong iniwan ko yun. Nagulat ako.

Oo, panaginip lang ang lahat. Buti na lang, nagising ako. Kundi, inaway ko na yung kaibigan ko dun sa panaginip na yun!

__________________________

Kanina, sabi ko, manonood ako ng movie. E wala naman kasi akong ginawa pa sa ngayon. Edi sulitin na lang ang bakasyon.

Inumpisahan ko yung movie ng 4pm. Umabot na ng 6pm, di pa rin ako nangangalahati. E yung movie, 1 ½ hours lang dapat. Base sa napanood ko na, maganda yung movie, in fairness. Pero di ko siya matuloy-tuloy. Pag maganda na yung eksena at pag naeexcite na ako sa mangyayari, pipindutin ko yung PAUSE. Ganun ang nangyari hanggang sa di ko na talaga natuloy yung panonood sa huling pause na ginawa ko. Di ko alam kung anong ba talagang meron. Pero feeling ko kasi, parang may kulang. Sa sobrang iba ng feeling, dumating sa punto na napaiyak na ako. Humagulgol na ako kanina. Wala naman akong magawa. E ganun talaga e.

__________________________

Nagdadalawang isip ako kanina kung tatawag ba ako o hindi. Gusto ko sanang ikwento ‘to ng personal. Kaso nga lang, hanggang sa dulo, di pa rin ako makapagdesisyon kung anong gagawin ko. E kasi, baka pag kinuwento ko ‘to, baka mapaiyak lang ako. Mahawaan ko pa yung kausap ko. Kaya eto na lang ang ginawa ko.

Buong araw, eto lang ang iniisip ko. At di ko na kayang ideny na may namimiss din ako. Namimiss ko lahat. Lahat lahat na.

2 Comments

Filed under Blahblahblah

2 Responses to Cupcake Dream, The Movies and Some Things I Miss.

  1. Puppy

    miss ka na din siguro ng namimiss mo. kasi mas EMO xa kaysa sayo..
    mas ineexpress nya ang feelings nya.. kaya alam kong di ka nya natitiis.

    nakakatakot na makalimutan mo xa. kaya may part sa kanya na masaya at namiss mo xa.. kasi nga ayaw nyang mawala ka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s